J's Diary
Kung gusto mo maghanap ng babasahin sa wattpad dito ka sa mga writer na to,

Suggestion ko lamang po ito. :)

Si haveyouseenthisgirl, masasabi kong magaling na writer siya. Lahat ng klase ng buhay nasa storya niya na. Yung friendship, yung love at ang family din, KUNG babasahin mo lahat ng story niya hindi lang siya yung basta tututok sa isang topic sa isang concept ganun. I know, kilala siya pati dito kasi may mga writer at readers din dito.

Kung gusto mo naman umiyak, tignan mo naman yung stories ni memae  para siyang si mi-mhytot na nakakapagpaiyak ng reader. Pero mas naiiyak talaga ako sa stories ni memae, ewan ko para kasing may pinanghuhugutan siya sa mga story niya. Kaya kung gusto mo magbasa about sa mga nakakalungkot na story kay kyabulism/memae, mi-mhytot AT MsHopelessRomantic29 ka na :-)

  • Si SGwannab naman, trending ung story niyang She’s Dating The Ganster kaya madaming gumaya sa kanya, pero ung nabasa ko namang gawang tungkol sa gangster ay maganda naman katulad ng kay Alesana_Marie, si AilaMonica tsaka siasrah028
  • Si aril_daine, maganda din story niyaa, pero tinamad na akong basahin kasi parang walang katapusan yung storya niyang sadist lover. Hahaha. Pero seryoso maganda din mga story niya. :)
  • Kay aine_tan, gusto ko siyang writer pag dating sa mga revenge thingy. Ang cool lang kasi.
  • Si oinkoink / andy, Favorite author ko to dati, gandang ganda ako sa storya niyang Meet The Jerk, may book 2 siya pero tingin ko wala na din. Parang putol ang story niya. Kaya ayun. :(
  • Si ate, FG/ ForgottenGlimmer, isa sa mga inaabangan ko tuwing naguupdate. Magaling din, tumrending ung Secretly Married niya.
  • Si ate alyloony, yung stories niya parang mga fantasy. :”> Kaya astig din.

Lahat sila matagal na, pagtapak ko palang ng wattpad nandyan na sina, ang wala ata si AilaMonica at Alesana_Marie nung panahon na un. Kung tigang ka, kay HumiGad ka. Basta ikaw maghanap. HAHAHAHAHA.

Tagged as: wattpad,   review,